SA AKING MGA KABARANGAY,
Ang kasabilhang “ SERBISYONG TOTOO. . PARA SA DIYOS AT PARA SA TAO”, ay isang adhikaing ginagawa at pina-iiral ng Pamunuan ng Barangay San Vicente, upang tahasang matugunan sa pamamagitan ng pamamaraan ang pangangailangan, bagkus mabigyan din ng kalutasan ang iba’t-ibang problema ng ating mga mamamayan, lalo’t sa panahon ng kahirapan.
Marami na ang nagawa ng ating Barangay ayon at naaangkop sa tamang programa at pag lagay ng pondo para sa pakinabangan ng higit na nakakaramin nating mga kababayan. Ang mga programang ito ay na naka-focus sa mga sumusunod: 1)Barangay Scholarship Program, na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang ating mahihirap ngunit matatalinong mga bata upang makapagtapos sa kolehiyo. Sa kasalukuyan, meron tayong 40 Scholars sa High School at 25 sa College. At mula noong 1995, humigit-kumulang 65, ang nabiyayaan ng ating Scholarship Programnanagtapos na ng kanilang pag-aaral mula sa High School hanggang College, kung saan halos silang lahat ay mayroong ng mga sariling Propesyon at Trabaho; 2) Patuloy na pagpapairal ng “Comprehenssive Barangay Peace & Order Program” upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong nasasakupan ng ating Barangay na binubuo ng mahigit-kumulang 42 Subdivisions/ Villages at 8 Sitios. Kasama sa programang ito ang aktibong partisipasyon at pakipagtulungan ng mga “Homeowners Associations”, sa pamamagitan ng pag-organisa at pagtatag ng kani-kanilang “Security Force”, na mayroong kaakibat na paghirang bilang mga “Volunteer Barangay Tanods”, upang mas higit nilang mapangalagaan ang kanilang mga kumunidad, kasama ang mga nakatalagang pirmihang mga Barangay Tanod ng San Vicente. Kasama din sa programang ito ay ang pagpapaigting na “ 24-Hour Mobile Roving Patrol to deter Criminal Elements from committing their nefarious activities”; 3)Ang pagdadaos ng “FREE MEDICAL & DENTAL MISSION”, tuwing buwan ng Marso, taon-taon, kung saan maraming Doctor, Nurses, Dentists, atbp ang iniimbitahan para magbigay ng kanilang libreng serbisyo sa ating Mahihirap na mga mamamayan. Kasama din sa programang ito ay ang pagbibigay ng libreng gamot at ang pag “donate” ng dugo sa Phil. National Red Cross; 4) Pagpapatayo ng Barangay San Vicente Birthing Homes - na nangangalaga ng mga nag-dadalang tao sa pamamagitan ng pag-bibigay ng prenatal check-up, pag-papaanak sa murang halaga at pag-subaybay sa kalusugan ng mga sangol na bagong panganak; 5) Patuloy ang mga pagawaing-bayan, na tumutugon sa maraming problemang pang-edukasyon, pangkabataan, pangkalusugan, pang-kalikasan, pang-seguridad, pang-kabuhayan, atbp., tulad ng mga sumusunod: a) Pagpapatayo at ang patuloy na pangangasiwa ng mga “Daycare Centers” para sa mga bata na may edad na hindi pa puwede sa Elementarya (Pre-School Children). Sa kasalukuyan ang Barangay San Vicente ay mayroong 13 Daycare Center; b) Pagtaguyod at patuloy na pagsuporta sa pamamagitan ng Sangguniang-Kabataan, ng mga palaro (Sports), sa layuning ilayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo; c) “Declogging” at paglilinis ng mga daluyan ng tubig, kanal at estero; d)Patuloy na pangangalaga ng mga Basketball at Tennis Courts, pati angt pagpapailaw, pagpipintura, atbp.; e)Patuloy ang programang pang-kalikasan at pangkalinisan, tulad ng pagtatanim ng mga puno sa mga “open Spaces” at mga tabing kalsada, ang paglilinis ng mga lugar sa hanapan ng mga Pabrika at mga Pagawaan, sa tulong ng mga nasabing Pagawaan at ng mga Organisastion Sibiko, gaya ng Rotary Clubs, Kiwanis Clubs, atbp.; f) Patuloy na pamamagitan sa NFA upang mapaabot sa Barangay San Vicente ang murang bigas; i) Pagtataguyod at pagdaos dalawang (2) beses isang taon ng “Job Fair” kung saan maraming Tanggapan, Pabrika, Negosyante, atbp., ang iniimbitahan upang magkaroon ng pagkakataon ang ating mamamayan na magkaroon ng trabaho; j) Pagdaos ng regular na programa ukol sa pagbabakuna ng mga aso (Anti-Rabies Vaccination), upang mapangalagaaan ang kaligtasan ng mga mamamayan; k) Patuloy na program para “Informal Education” upang
mabigyan kabuhayan ang ating mamamayan sa pamamagitan ng mga t mga kursong ibinibigay ng ating Barangay Livelihood Training Center; l) Pagbibigay tulong pinansiyal at material para sa mga biktima ng sakuna, karamdaman at kamatayan;
Marami pang mga programa at proyekto ang ating Barangay, lalo’t sa mga darating pang panahon kaya’t minamarapat ng inyong Habang-Lingkod sa hikayatin ang ating mga mamamayan upang tumulong at makiisa sa programa ng ating Barangay para matiyak ang ating patuloy na pag-unlad, at pagkakaroon ng kuminidad na matahimik at mapayapa.
Bukas po ang aking opisina sa lahat ng inyong pagpuna, suhestiyon at tulong para mapaigting pa natin ang Serbisyong-Bayan para sa lahat.
Lubos na nagpapasalamat sa inyong kooperasyon at pakiki-isa.
NORVIC D. SOLIDUM
Punong Barangay
No comments:
Post a Comment