Tuesday, March 31, 2009

EDUKASYON... SANDATA NATIN SA KAHIRAPAN, LANDAS SA KAUNLARAN

Ulat ni Kagawad ANDY TEE REYES, III
Chairman: Committee on Education

Ang kahalagahan ng edukasyon at paglinang sa angking talino na siyang mabisang sandata natin sa pag-unlad ang siyang itinanim sa

atin ng mga dakilang bayani ng ating lahi tulad ni Gat Jose Rizal ay siya ring pinaniniwalaan ng inyong lingkod Kagawad Andy Tee Reyes at ating Punong Barangay Norvic D. Solidum kung kaya’t sa kanyang pangunguna at suporta sa ating mga p

royektong pang-edukasyon tayo ay nabibigyan ng maliwanag na daan tungo sa kaunlaran. Mula sa paghubog ng murang kais

ipan ng ating kabataan hanggang sa sila ay makatapos ng kurso sa kolehiyo ang pamunuan ng barangay ay gumagawa at

nagbibig ay tulong sa mga ganitong proyekto. Patunay dito ang pagtataguyod ng ating barangay ng dalawampu (20) Day Care Center na kung saan ang 13 dito ay pinangangasiwaan ng ating barangay. Sa kasalukuyan bilang niton

g buwan ng Marso 2009 ang ating barangay ay mayroon animnapu’t dalawa (62) Barangay scholar, apatnapu (40) ang bilang sa sekondarya at dalawampu’t lima (25) naman ang sa kolehiyo na binubuo ng sa mga karapat-dapat na mag-aaral na may tiyaga at sipag na mapanatili ang kanilang magandang grado (85% average grade) hanggang sa sila ay makatapos. Ang ating barangay ay sumasabay din sa pangangailangan ng ating mag-aaral sa modernong panahon kung kaya’t naglagay tayo ng Community E-Center na kung saan sampu (10) computer na magseserbisyo sa mga mag-aaral sa kanilang mga research work sa pamamagitan ng libreng paggamit ng internet service. Pinahahalagahan din ng ating Punong Barangay at ng inyong lingkod bilang committee chairman ng Lupon ng Edukasyon ang pagmamahal ang ating sariling wika kung kaya’t tuloĆ½ tuloy ang taunang patimpalak tuwing buwan ng Agosto, sa Buwan ng Wika, sa huling linggo nito ang “ NORVIC D. SOLIDUM SCHOLASTIC COMPETITION” na

nilalahukan ng mga pribado at pampublikong paaralan na nasasakupan ng ating barangay. Ito ay permanenteng ginaganap sa bisa ng Kautusan Pambarangay blg. 08-20 na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Sangguniang Barangay ng San Vicente. Ang nakaraang patimpalak ng Buwan ng Wika ay ginanap sa Mater Ecclesiae School noong Agosto 28-29 ,2008. Si Kgg. Ricardo M. Duran Nolasco , Punong Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Pilipino ang siyang nagging panauhing pandangal ng naturang selebrasyon.

Inilunsad din ng inyong lingkod noong Disyembre 2008 at buong pusong sinuportahan ng ating Punong Barangay Norvic D. Solidum ang patimpalak sa 1st NORVIC D. SOLIDUM CHORALE FESTIVAL , bilang pakikiisa natin sa pagdiriwang ng pagsilang ng ating Dakilang Manunubos na si Hesukristo. Ito ay nilahukan ng mga magagaling na chorale group mula sa iba’t ibang paaralan sa ating barangay at ginanap sa Plaza Pacita.

Matuwid ang daan tungo sa pag-unlad kung pagbubutihin natin ang paglinang ng ating edukasyon at tayo ay magtutulungan makapag-ambag ng kagalingan para sa ating kapuwa at komunidad. Ang ating barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Norvic D. Solidum at ang inyong lingkod bilang Chairman ng Committee on Education ay may ganitong pananaw kung kaya’t marapat lamang na suportahan natin ang mga programa ng barangay, maliit man o malaki ang ginagampanan natin sa buhay bilang kabahagi ng komunidad at ng ating pamahalaang barangay.


Kagawad Andy T. Reyes, III

No comments:

Post a Comment