Showing posts with label swine flu. Show all posts
Showing posts with label swine flu. Show all posts

Tuesday, May 12, 2009

HEALTH ADVISORY Influenza A (H1N1) o Swine Flu

HEALTH ADVISORY Influenza A (H1N1) o Swine Flu

Ang Influenza A (H1N1) ay mula sa isang novel flu virus na mula sa 4 na pinagsamang strain ng virus mula sa baboy ,tao at ibon. Wala pang bakuna laban sa virus na ito ngunit may mga rekomendadong gamot upang malunasan ang sakit na ito. Ang Influenza A (H1N1) ay nakamamatay !


Mga sintomas :

Ang sintomas ng A (H1N1) ay katulad din ng pangkaraniwang trangkaso :

Lagnat/pananakit ng ulo/pagkahapo/pananakit ng kalamnan/pagkawala ng gana sa pagkain/pagkakaroon ng sipon/pamamaga ng lalamunan/pag-ubo/pagsusuka/pagtatae.


Paraan ng Pagkahawa:

Kapag naubuhan (cough) o nabahingan (sneeze) ng taong apektado ng virus. Ang Influenza A (H1N1) virus ay hindi naka hahawa mula sa pagkain ng karne ng baboy.


Paraan ng pag-iwas:

Takpan ang ilong at bibig kapag uubo o babahing/Palagiang maghugas ng kamay at gumamit ng sabon. / Gumamit ng alcohol based sanitizers/Iwasan dumikit sa mga taong may sakit/Palakasin ang resistensiya sa pamamagitan ng pagtulog ng 8 oras/maging aktibo/pangasiwaan ang pagod/Uminom ng maraming tubig/Kumain ng masustansiyang pagkain.


Maging Alerto at Mapagmatiyag !!!

Kung ikaw ay nakakaranas ng lagnat sa loob ng dalawang araw o higit pa makipag-ugnayan agad sa doktor.

Sa karagdagang impormasyon tungkol ss Influenza A (H1N1) o Swine Flu tumawag sa (02) 711-1001 o sa 711-1002.